SAAN NGA NAPUPUNTA ANG TAX NI JUAN?

Malapit na naman ang sahod. Isang pay slip na naman ang madaragdag sa collection ko. Madalas halos ayaw ko ng tingnan ang pay slip ko dahil baka madismaya na naman ako.

Saan nga ba napupunta ang TAX ni Juan?

Matagal ko ng tanong sa isip ko yan. Gaano nga ba kalaki ang TAX collection sa Pilipinas? I tried na i-google ang information na yan pero wala naman akong makitang sagot. Ilang porsiyento nga ba ng TAX natin ang bumabalik sa serbisyo para sa publiko?

Suriin natin ang Makati bilang isang example at isipin natin kung saan nga ba napunpunta ang TAX ni Juan.

Ilang gusali ba ang itinatayo ngayon sa Makati na pakikinabangan ng publiko? Mukhang wala namang bagong munisipyo.

Ilang tawiran ba ang ginagawa ngaun sa buong Makati? Mukhang wala din akong makitang bagong over pass.

Ilang school ba ang tinatayo ngaun sa Makati? Mukhang wala din ata.

Kung walang gusali, over pass, bagong infrastructure, bagong kalsada at mga proyekto pam-publiko saan nga ba napupunta ang TAX ni Juan?

Marahil sa mga empleyado ng local government. Gaano nga ba karami ang pinpasahod ng Makati government para duon lahat maubos ang TAX? Gaano karaming lansangan ba ang iniilawan ng Makati? Maliban sa Osmak na hindi naman state of the art ang facilities saan at ano pang pinagkaka-gastusan ng Makati?

Marahil ang ibang gastusin ay napupunta sa mga students ng Makati. Gaano mga ba karami ang mga mag-aaral sa Makati? Ano nga ba ang mas malaki? Ang TAX ng taong bayan or ang Gastusin ng Makati?

Kung sa Opisina namin ay may 7,000 employees at ang average na TAX ay nasa 3,000 sa isang buwan 21 million na kagad. Kung may sampung call center sa Makati, 210 Million na kagad ang TAX na malilikom ng Makati mula kay Juan. Kung may 100 call center sa Makati nasa 2.1 Billion na ang Tax sa loob lamang ng isang buwan. Idagdag pa natin ang TAX ng mga naglalakihang companies sa Makati. Isama pa natin ang mga nagttrabaho sa Banko, Opisina, Insurance, Nurses at ang ilang daang propesyon na nagbabayad din ng Buwis. Sa Bilyon-bilyong kinita ng Makati at ng budong pilipinas, SAAN NGA BA NAPUPUNTA ANG TAX NI JUAN?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s