10 things you don’t know about Call Centers.

1. Fluent mag-english – hindi lahat ng nasa call center perfect ang English. Parang mga English and Americans hindi rin perfect ang english nila. Hindi naman kawalan na hindi ka perfect sa wikang ingles ang mahalaga nagkaka-iintindihan kayo ng kausap mo. Hindi rin porket may accent magaling na, ‘yong iba umaarte lang tapos binibilisan para hindi halata. Hindi lang sa englisan yan e, nasa diskarte, sipag at tiyage din.

2. Walang Choice kaya nag-call center – Hindi totoong walang choice ang mga nasa Call Center. Sabihin na lang natin na they are more practical and able than others. Hindi porket magaling mag-english pasok ka na. Dapat maayos ang comprehension mo. Hindi porket marunong mag FB and mag-computer dapat pasok ka na. Dapat magaling ka mag-navigate ng tools and system. This profession is not an easy thing to do. It takes a lot of courage and discipline to stay in the Industry. We are competent too. In other words, magagaling kami at may choice. Mas may pera lang talaga sa Avaya.

image

If I know nag-try ka din dito. Hindi ka lang pumasa kaya medyo bitter ka. 🙂

3. Agent position. Maraming tao na kapag naisip ang salitang Call Center agent agad ang kasunod na salitang maiisip nila. Hindi po umiikot ang mundo ng Call Center sa agents. May tinatawag din tayong Team Leads na gumagabay sa mga ahente. May QA din na siyang nagpapa-husay pa lalo sa mga ahente. May supervisors at Managers din, may workforce, may reports analyst, Account Manager, at marami pang iba. Agents are the front liners but all positions in Operations and support groups are equally important to make the company work and to make the business successful. Parang mga organs yan sa katawan ng tao. Hindi mag-function ng maayos kung wala ang isa. Pero kung ang TL mo ay kupal at tamad, sila ung mga tonsils. Kahit tanggalin mo sa katawan mo, maayos ka pa din.

4. Lugar ng mga malalandi. – Hindi po totoong malalandi kami. Kahit saang company ka man mag-work, sa Military, Ospital o kahit sa Gobyerno pa, hindi po mawawala ang salitang Kabit, pok-pok, bakla, mang-aagaw at ahas. Hindi lang po sila sa call center nag-lulungga, minsan sa group of friends mo, sa compound niyo, minsan nga sa loob pa ng apartnment mo. Kaya wag niyo po kaming husgahan, kahit saan andun po sila, discreet lang. Promise!

5. Mayayaman o social climber – Sana talaga totoo ang ang bagay na ito. Sana totoong mayayaman ang mga nasa Call Center. Hindi naman lahat social climber, ‘yong iba lang.

Mataas naman talaga ang sahod sa Call Center as compared to other regular day job, kaso depende pa rin sa Company. 14k to 35k ang sahod ng mga agents pero depende yan sa account at experience nila. Kung malaki man ang sahod, ibig sabihin Queing sa account. Sulit ang bawat letra na lalabas sa bibig ng mga Immortal, bawal din kami magka-sakit, bawal umabsent kahit may lindol, baha, giyera o kahit pa may patayan na sa harapan mo. Lalo na kung wala kang medical certificate kasi hindi naman ikaw ang nasaksak, audience ka lang.

To be continued… bukas naman ‘yong lima, utang muna. bawal mag-cp sa floor tapos sumisigaw na si TL ng auto-in. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s